Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit isang libong Ilagueño ang tumanggap ng tulong sa ilalim ng I-RISE program ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Sa patuloy na pamamahagi ng ayuda ng provincial government ng Isabela sa pangunguna ni Governor Rodito Albano III, nasa 1,246 na I-RISE beneficiaries sa Lungsod ng Ilagan ang nabigyan ng cash at rice assistance na sinaksihan rin nina Vice Gov. Faustino ‘Bojie’ Dy III, City Mayor Jose Marie L. Diaz at mga lokal na opisyal ng Ilagan.
Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga grupong nasa informal sector at TODA member habang ang mga karinderya owners naman ay binigyan ng tif-dalawang tangke ng LPG mula naman sa LPGMA Partylist.
Muling pinasalamatan ng Bise Gobernador ang ama ng lalawigan dahil sa mga programa nito sa probinsya na layong matulungan ang mga Isabelinong higit na nangangailangan para makapag-umpisa muli at makabangon sa kabila ng kinakaharap na pandemya.