Higit 1-M na edad 5-11, bakunado na kontra COVID-19

Umabot na sa 1,233,017 na mga batang edad lima hanggang 11 ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 381,433 na mga bata sa ilalim ng 5 to 11 age bracket ay fully vaccinated na.

Habang nasa 9.7 million naman na mga batang edad 12 hanggang 17 ang bakunado na rin kontra covid-19.


Sinabi naman ni PCOO Secretary at acting Presidential Spokesperon Martin Andanar na umabot na sa 64,660,228 ang bilang ng mga fully vaccinated na laban sa nakahahawang sakit.

Katumbas aniya ito ng 71.84 porsyento ng target population.

Nasa 69,844,400 indibidwal naman o 77.60 porsyento ng target population ang nakatanggap ng unang dose.

Samantala, 11,224,502 indibidwal naman ang naturukan ng booster shot.

Facebook Comments