Higit 1-M Pfizer vaccine na donasyon ng Australia, dumating sa bansa

Photo Courtesy: National Task Force Against COVID-19

Dumating sa bansa ang 1,138,430 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na donasyon ng Australian government sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ang nasabing mga bakuna ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-9:00 kagabi.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical consultant Dr. Ma. Paz Corrales, nagpapasalamat sila sa foreign partners ng Pilipinas para sa karagdagang vaccine supply ng bansa.


Batay sa National Vaccination Operations Center (NVOC), nakapagbakuna na ang bansa ng 128,700,168 doses ng COVID-19 vaccine sa buong bansa.

Nasa 60,674,767 ang nabigyan ng first doses habang 60,013,407 indibidwal ang fully vaccinated na at 8,011,994 ang may booster shots.

Facebook Comments