17, patay sa banggaan ng fuel tanker at bus sa southern Nigerian

Patay ang 17 indibidwal matapos magsalpukan ang isang fuel tanker at bus sa southern Nigerian state sa Ogun.

Ayon kay Federal Road Safety Corps Spokesperson Bisi Kazeem, tanging tatlo pa lang sa mga biktima ang kanilang nakikilala.

Aniya, nahihirapan silang matukoy ang ibang biktima dahil nasunog ang mga ito.


Nabatid na kasalukuyang nakakaranas ang Nigeria ng kakulangan sa supply ng langis.

Facebook Comments