Higit 1 milyong AstraZeneca vaccines na donasyon ng Japan, dumating na sa bansa

Nagpasalamat ang pamahalaan sa Japanese government sa pag-donate ng higit isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Kabuoang 1,124,100 AstraZeneca vaccines ang ibinigay ng Japan sa Pilipinas na personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagpapasalamat sila sa Japan sa buong suporta ngayong pandemya.


Ang mga bagong supply ng bakuna ay malaking tulong sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan kung saan target ang mga iba pang vulnerable sectors ng populasyon.

“Our gratitude for Japan’s unwavering and long-standing support is endless. We are particularly grateful for the support to the Philippines through this pandemic,” sabi ni Duque.

“These vaccines are indeed a welcome addition to our arsenal, to reinforce our ongoing efforts, to respond to the ever evolving COVID-19 threat,” dagdag ng kalihim.

Sinabi rin ni Duque na makakatulong din ang mga bakuna para mapigilan ang mutations ng virus.

“Truly, this gesture of solidarity by Japan reflects our common efforts of building global communities and brings us one step closer to our shared aspiration to win this fight against COVID-19,” anang kalihim.

“As it has been said, no one is safe until everyone is safe. Indeed, we look forward to defeating this virus together,” sabi pa ng DOH official.

Ang mga bakuna ay ipapamahagi sa mga lugar na nakararanas ng pagtaas ng kaso kabilang ang Iloilo City, Davao City, Cagayan de Oro, at Zamboanga.

Facebook Comments