World Bank, humingi ng paumanhin ukol sa paglalabas ng education report

Naglabas ng apology o paumanhin ang World Bank Philippines sa pamahalaan at sa Department of Education (DepEd) dahil sa paglalabas ng report ukol sa mababang learning outcomes ng mga Pilipinong estudyante.

Matatandaang nanawagan si Education Secretary Leonor Briones sa World Bank na humingi ng paumanhin matapos nilang mainsulto at mapahiya ang pamahalaan sa nasabing report.

Sa statement, sinabi ng World Bank na nagsisisi sila sa hindi sinasadyang paglalabas ng report bago pa man mabigyan ng pagkakataon ang DepEd na magbigay ng kanilang opinyon hinggil dito.


Ang naturang hakbang ay “oversight” sa kanilang parte at humihingi sila ng patawad sa pamahalaan.

Sa ngayon, pansamantala nilang tinanggal ang report sa kanilang website.

Kinikilala rin ng World Bank ang mga repormang ipinapatupad ng DepEd para sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon.

Ang World Bank ay sinisikap na makipag-ugnayan kay Sec. Briones hinggil dito at tiniyak na ipagpapatuloy nila ang dayalogo sa DepEd para sa pag-usapan ang mga oportunidad at hamon sa sektor ng edukasyon.

Facebook Comments