Umabot na sa 72.4% o higit 10.22 milyong pamilya ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje, tinatayang P66.4 bilyon na ang nailabas para sa 2nd tranche ng SAP.
Kanilang nabigyan ng ayuda ang mahigit 1.3 milyon Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, higit 5.2 milyon na non-4Ps beneficiaries at nasa 2.6 milyon waitlisted families.
Sinabi ni Paje na halos apat na milyon na lamang mula sa 14.1 milyon target beneficiaries ang hindi pa nabibigyan ng ayuda.
Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga pulis at militar para sa pamamahagi ng SAP sa mga geographically isolated at disadvantaged areas.