Higit 10 milyong Pilipino, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ayon sa DOLE

Tinatayang aabot sa 10 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho sa bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nasa 2.6 million na manggagawa na ang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng business establishments.

Karamihan aniya sa mga nawalan ng trabaho ay nasa service sector.


Pinalawak na ng DOLE ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program para marami pang manggagawang nawalan ng trabaho ang matulungan ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Bello, isusulong din ang pagpapatupad ng mga nakabinbing infrastructure projects bilang bahagi ng post-pandemic recovery plan.

Sa ngayon, ang DOLE ay humingi na ng ₱40 billion na budget sa Kamara para pondohan ang kanilang recovery programs.

Facebook Comments