Pahayag ng DOH na nasa second wave ng COVID-19 ang Pilipinas, kinontra ni Executive Secretary Medialdea

Sinalungat ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pahayag ng Department of Health (DOH) na nararanasan na ng Pilipinas ang ikalawang bugso o second wave ng coronavirus disease.

Kinuwestyon ni Medialdea ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III matapos siyang tanungin kung naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba para sa pagtugon sa second wave.

Iginiit ni Medialdea, wala pa sa second wave ang bansa dahil wala pang inilalabas na pahayag ang Pangulo hinggil dito.


Umaasa siya na hindi na umabot pa ang bansa sa puntong mahihirapan dahil sa panibagong bugso ng COVID-19 infections.

Facebook Comments