Higit 10 patay sa matinding pagbaha sa Brazil

Sao Paulo, Brazil – Umabot na sa 11 ang patay sa matinding pagbaha sa Sao Paulo, Brazil.

Ito ay bunsod ng matinding pag-ulan.

Karamihan sa mga nasawi ay nalunod at natabunan ng mudslide.


Aabot na sa 110 millimeters o apat na pulgadang ulan ang bumuhos katumbas ng 70% ng ulan para sa buwan ng Marso.

Dahil dito, hindi madaanan ang mga kalsada at hindi magamit ang mga commuter trains.

Inaasahang magtatagal ang pag-uulan sa susunod pang dalawang araw.

Facebook Comments