PESO visit ng Radyo Trabaho team ng DZXL RMN Manila sa Bacoor City, Cavite – naging matagumpay

Naging mainit ang pagtanggap ng Bacoor City Public Employment Service Office (PESO) sa Radyo Trabaho team ng DZXL RMN Manila.

Dito inilatag ni PESO Manager Maria Victoria De Castro-Jimenez ang kanilang mga magagandang proyekto.

Tunay na mapagkalinga sa mga mamamayan ang lokal na pamahalaan ng Bacoor dahil bukod sa mga karaniwang trabaho, buo din ang suporta nito maging sa mga may kapansanan o PWD.


Sinabi naman ni Josephine Ricardo, chief of staff ni Mayor Lani Mercado-Revilla at siya ring Public Information Officer (PIO) ng Bacoor, isa sa mga tinututukan nila ay ang employment ng mga PWDs.

Nakadaupang-palad din ng RT team si Mayor Lani at ipinahayag ang kagalakan sa mga planong isinusulong ng Radyo Trabaho.

Personal ding inanyayahan ng alkalde ang publiko na dumalo sa isang jobs fair para sa mga graduate ng K-12 na gaganapin sa ika-25 ng Marso.

Samantala, bibisita naman ang RT team sa PESO ng lokal na pamahalaan ng Pasay ngayong araw.

Facebook Comments