
Aabot sa 11.2 tonelada ng unsafe imported goods ang sinira ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang nasabing hakbang ng Customs ay upang mas mapakinabangan ang espasyo sa kanilang storage facilities.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kabilang sa mga sinira ay mga gamit, kemikal at iba pang food products na walang clearance sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa kabuuan, nasa 28.1 na tonelada na ng mga unsafe imported goods ang winasak ng Customs ngayong taon.
Facebook Comments









