Higit 10 truck ng basura, nahakot sa Manila Bay clean-up

Manila, Philippines – Umabot sa higit 10 truck ng basura ang nakolekta sa pagsisimula kahapon ng Manila Bay rehabilitation project o ‘Battle for Manila Bay’.

Sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 45.59 tons o 11 trak ng basura ang nahakot ng mga lumahok sa clean-up drive.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu – namangha siya sa libu-libong taong nakilahok sa paglilinis.


Ipag-uutos din ng kalihim na ilipat ang mga informal settler na nakatira sa mga daluyan ng tubig at tutulungang ibalik sa kani-kanilang probinsya.

Aabot sa halos ₱47 billion ang inilaang pondo para sa clean-up.

Bukod sa Manila Bay, nagkaroon din ng clean-up activities sa Bulacan, Pampanga, Bataan, Navotas, Las Piñas at Cavite.

Facebook Comments