Higit 100 immunocompromised na mga batang 12-17 taong gulang, nabigyan ng booster dose

Nasa 100 mga  bata na nasa 12 hanggang 17 taong gulang na may mga karamdaman o immunocompromised ang nabigyan ng booster shot.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergiere na maari pa itong madagdagan dahil hinihintay pa nila ang kabuuang datos sa isinagawang pagbabakuna sa nabanggit na age group na sinimulan noong nakalipas na linggo.

Kaugnay nito, aprubado narin ani Vergiere ang pagtuturok ng booster dose sa lahat ng mga bata na nasa dose hanggang dise siyete anyos.


Kasunod nito umaasa ang opisyal na dahan=dahan nang makikita sa mga susunod na linggo ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang mabibigyan ng 3rd dose.

Facebook Comments