Ito ay matapos makapagtala ang PHO ng nasa kabuuang 109 pasyenteng na-admit sa mga district hospital ng lalawigan dahil sa amoebiasis.
Ang mga nasabing pasyente ay mula sa bayan ng Allacapan, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Gattaran, Lal-lo, Lasam, at maging sa lalawigan ng Kalinga.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, nag-umpisa umanong magkaroon ng kaso ng sakit matapos ang mga pagbaha sa Cagayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Carlos Cortina III ng PHO na mahalaga na siguraduhin na malinis ang mga iniinom na tubig at pagkain.
Ayon kay Dr. Cortina, positibo ang mga pasyente sa amoebiasis batay sa isinagawang laboratory tests ngunit kailangan pa nila itong suriin upang matiyak na hindi ibang sakit ito tulad ng cholera.
Ang sintomas kasi ng amoebiasis ay katulad lang din sa cholera kung saan may apat ng katao ang nasawi sa sakit na ito sa Aurora province.