Nasa kabuuang halaga na Php127,000.00 ang ipinamahaging tulong sa 108 na indibidwal sa nabanggit na lugar.
Pinangunahan ni PSSg Ruthlene D Bisquera, Class President kasama ang IPPO-PHQ personnel at iba pa na kabilang rin sa CLASS SANTINIG ang naturang aktibidad.
Dito ay nagsagawa ang kapulisan ng tree planting, feeding program, pamamahagi ng grocery items at hygiene kits sa mga benepisyaryo.
Bukod dito, namahagi rin ang kapulisan ng mga libro sa mga mag-aaral sa lugar sa pamamagitan ng kanilang Project AKLAT thru BUKLAT-MULAT (Libro ay BUKLATin- Mag-aral Upang Landas Ay Tumuwid).
Taus-puso namang nagpaabot ng pasasalamat ang mga residente ng Brgy. Abuan sa CLASS SANTINIG sa pagpili sa kanila bilang benepisyaryo sa pagdiriwang ng anibersaryo.
Ang naturang aktibidad ay sumusuporta sa EO No. 70 (NTF-ELCAC) na naglalayong makapag-abot ng tulong sa mga kapus palad na indibidwal at mailayo sila sa mapanlinlang na taktika ng mga makakaliwang grupo.