Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 122 na indibidwal ang nahuling lumalabag sa mga Local Ordinances ng mga bayan na nasasakupan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2IPMFC) sa pamumuno ni PLtCol Dennis Pamor, Force Commander nitong Setyembre 26-29 ng taong kasalukuyan.
Ang mga paglabag sa mga lokal na ordinansa ay gaya ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, pagmamaneho ng walang Driver’s License, No Helmet, No Oplan E-Visa, at marami pang iba.
Nahuli ang mga nasabing lumalabag mula sa Area of Responsibility ng 2IPMFC kabilang ang mga bayan ng Alicia, Cordon, Echague, Jones, San Mateo, at lungsod ng Cauayan.
Patuloy naman na nananawagan ang kapulisan sa mga mamamayan na sundin ang mga ipinapatupad na mga lokal na ordinansa para masiguro ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Facebook Comments