ISANG WANTED PERSON, BOLUNTARYONG SUMUKO

21
Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa Cauayan City Police Station ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Sexual Abuse.

Kinilala ang akusado na si Romel Macasaddug, 31 taong gulang, magsasaka, at residente ng San Luis, Tuao, Cagayan.

Sa ating nakuhang impormasyon, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek para isuko ang sarili at para makapag piyansa.

Naberipika naman ng kapulisan na kabilang sa listahan ng mga wanted persons ang naturang suspek.

Para wala na umanong iniisip at hindi na kailangang magtago ng suspek ay agad din itong nagpiyansa ng halagang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan batay na rin sa inirekomendang halaga ng korte.

Facebook Comments