Ito ang inihayag ni DOLE Region 2 Director Joel Gonzales sa ginanap na Tipon-Tipan sa PIA.
Ayon sa opisyal, pinaghatian ng ilang rehiyon sa bansa ang pondong P1-bilyon na inilaan ng pamahalaan para sa mga labis na naapektuhan ng umiiral na Alert Level status.
Umabot sa kabuuang P690, 000 ang halagang ipamimigay sa nasabing bilang ng mga manggagawa na apektado sa rehiyon kung saan tatanggap ang mga ito ng tig-P5, 000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP 3).
Bukod dito, inaprubahan na rin ang bilang na 911 pending application para sa paglaanan ng pondo na nagkakahalaga ng P4.5 milyon.
Samantala, pagtutuunan ng ahensya na mabigyan rin ng tulong pinansyal ang mga establisyimentong nagsara dahil sa lalo na ang mga terminated workers.
Kasabay ng pagbaba sa Alert level 2 status ng National Capital Region (NCR), posible umanong madagdagan ang mga pondong inilalaan sa mga manggagawang apektado ng umiiral na Alert Level 3.