Gagawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 116 Milyong blangkong ID cards sa loob ng tatlong taon.
Ito ay para gamitin ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa National ID System.
Ayon kay PSA Deputy National Statistician Lourdiness Dela Cruz, hindi matatawaran ang expertise ng BSP lalo na ang pagsisigurong ligtas at naka-ayos ang security features ng National ID.
Sinabi naman ni PSA National Statistician Dennis Mapa, posibleng simulan na ang roll out ng National ID System sa Hulyo ng susunod na taon.
Tingin naman ni BSP Governor Benjamin Diokno, may malaking benepisyo ang National ID sa financial inclusion.
Ang personalization ng National ID ay pangangasiwaan ng PSA katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT)
Libre lamang na ipapamahagi ng PSA ang Phil. ID at sisingilin lamang ang mga kukuha nito sakaling mawala at kukuha ng pangalawang ID.
Aabot sa 3.4 Billion pesos ang halaga ng proyekto.
Sa ngayon, nasa pilot testing pa ang National ID hanggang Mayo o Hunyo ng susunod na taon.