Higit 100 na Lumabag sa Community Quarantine, Nahuli sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Umabot sa halos 200 na mga violators ang nahuli sa Lungsod ng Cauayan sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nasa 160 violators ang nahuli ng mga Apprehension Team sa Lungsod at kagabi lamang ay nadagdagan ng 13 kalalakihan na lumabag sa curfew.

Mula sa bilang ng mga nahuli ay 40 dito ay mga nagbebenta ng Face mask, habang ang iba ay mga nakitang pagala-gala na walang suot na face mask at mga gumamit ng traysikel na bumyahe sa lansangan.


Dinala ang mga nahuli sa FLDY Coliseum upang doon muna magpalipas ng 3 oras kung saan pinauwi na rin ang iba sa mga ito.

Samantala, ngayong araw, Marso 24, 2020 ay ipinatupad na ang 24hrs curfew sa buong lungsod ng Cauayan upang lalong mabantayan ang mga lalabas lamang ng bahay.

Pinapayagan rin na lumabas ang mga front liners ng ahensya ng gobyerno, mga empleyado ng mga supermarket, grocery stores, pharmacy, money remittance center, tele communication companies at energy providers.

Exempted din ang mga nagta-trabaho sa banko, restaurant, at nga magsasaka.

Muling iginiit ng Cauayan City Task Force Covid-19 na bawal parin ang tricycle sa kabila ng pronouncements ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay atty. Reina Santos, information officer ng lungsod na masu supersede ang naturang kautusan dahil nasa kamay ng bawat LGU ang pagpapatupad ng enhanced comprehensive quarantine.

Facebook Comments