Umaabot sa 108 na mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na 77 sa mga ito ang humingi ng tulong sa pamahalaan.
Ayon kay Arriola, lahat ng OFWs na ito ay natugunan na ang pangangailangan.
Maliban sa hiling na madala sila sa ospital o isolation facilities, nabigyan na rin aniya sila ng care packages at tulong pinansyal.
Sa ngayon, bumabalik na aniya sa normal ang healthcare systems sa Hong Kong dahil sa Omicron surge.
Facebook Comments