Pagkain ng shellfish sa anim na lugar sa bansa, ipinagbawal ng BFAR

Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish products tulad ng tahong ,talaba at halaan na mula sa anim na lugar sa bansa.

Ayon kay BFAR Director and Agriculture Undersecretary Eduardo Gongona, ito ay makaraang lumabas sa resulta ng kanilang pagsusuri na positibo sa red tide ang mga baybayin ng:

• Bataan gaya ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.


• Ang coastal water ng Milagros sa Masbate.

• Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte.

• Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Hiniling din ng BFAR sa mga local government unit (LGU) na huwag hayaang makarating sa mga pamilihan ang mga shellfish products doon para hindi maapektuhan ang kalusugan ng mga constituents.

Ang mga makakakain ng shellfish na may lason dahil sa red tide ay maaaring magsuka, mahilo at diarrhea na maaaring ikamatay ng tao.

Gayunpaman, ang makukuhang isda, squid, hipon at alimango mula sa naturang mga baybayin ay maaaring kainin bastat linising mabuti bago lutuin.

Facebook Comments