Cauayan City, Isabela- Umabot sa 180 pamilya mula sa Brgy. Aurora, Pudtol, Apayao ang nahatiran ng ayuda matapos maapektuhan ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng 17th Infantry Battalion at makakaliwang grupo kamakailan.
Tumanggap ng Hygiene kits ang naturang mga pamilya sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao Lokal na Pamahalaan ng Pudtol, Pudtol Police Station, 501st Infantry Brigade at ng 17th Infantry Battalion.
Kasabay nito, nagsagawa naman ang 5th Civil-Military Operation Battalion ng symposium awareness ukol sa panlilinlang at karahasan ng teroristang CPP-NPA-NDF gayundin ang nakapaloob na benepisyong matatanggap sa pagpasok sa serbisyo at ang E-CLIP.
Samantala, inihayag naman ni LtC Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17IB na hindi sila magdadalawang isip sa pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayan na nasa liblib na mga lugar.
Facebook Comments