Umabot na sa higit 100 katao ang patay bunsod ng ilang araw na pag-ulan sa Nepal, India at Bangladesh.
Higit apat na milyong residente ang lumikas na sa kanilang mga bahay dahil sa pagbaha at landslides.
Nagkasa na ng rescue at relief operations at nagtayo ng temporary shelters.
Ayon sa weather bureau, magtatagal pa ang mga pag-ulan sa susunod na dalawang araw.
Facebook Comments