Higit 100 dayuhang manggagawang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nahaharap sa Deportation.
Ito’y dahil sa kabiguan nilang mag-secure ng Alien Employment Permits (AEP).
Ayon kay Dept. of Labor and Employment, Bureau of Local Employment (DOLE-BLE) Director Dominique Tutay, isinumite na nila sa Bureau of Immigration ang listahan ng 126 Foreigners na walang AEP.
Sinabi ni Tutay na hindi awtorisado ang DOLE na magpa-deport ng mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.
Ang pwede lamang nilang gawin ay magpasa ng recommendation sa BI.
Bukod sa 126 Foreign Nationals, posibleng magdagdagan pa ang bilang ng mga ipapa-deport kapag natapos ng ahensya sa pag-iinspeksyon sa mga POGO.
Nakatakda sa December 15 ang deadline para sa verification sa mga naisyuhan at hindi naisyuhan ng AEP.
Nasa proseso rin ang DOLE sa pag-validate ng listahan ng Foreign Workers mula sa 40 POGO Service Providers.
Bago matapos ang taon, inaasahang maglalabas ang DOLE ng Official Data sa bilang ng Foreign Nationals na legal na nagtatrabaho sa bansa.
Hihingi rin sila ng Awtorisasyon mula sa Kongreso na ipasara ang mga POGO Firms na lumabag sa Immigration at Tax Laws.