Higit 100 police trainees, sasabak sa field training sa lungsod ng Maynila

Nasa higit 100 police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD) bilang bahagi ng kanilang actual training.

Umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipakakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.

Tatagal ng anim na buwan ang field training ng mga bagong recruit kung saan matapos nito ay isasailalim sila sa evaluation.


Bagama’t nasa temporary status ang mga police trainee, tatanggap na rin sila ng buwanang sahod.

Bago i-deploy, isinalang muna sila sa briefing sa pangunguna ni Police Col. Audie Madrideo, Chief ng MPD District Directorial Staff.

Babala ni Madrideo, kinakailangan sumunod ang mga police trainees sa duties and responsibilities ng PNP kung saan posibleng managot din sila kung makagawa ng pagkakamali.

Bukod sa pagtulong sa pagbabantay sa seguridad, tutulong din ang mga police trainee sa pagpapatupad sa guidelines ng health protocols.

Facebook Comments