Higit 100 Transport Group Members, Tumanggap na ng P5,500

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 134 transport group members mula sa ikatlong distrito ng Cagayan ang nakatanggap na ng P5,500 mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakalipas na sabado, April 17,2021.

Umabot sa P737,000 halaga ng tulong ang naipamahagi sa nasabing bilang ng mga benepisyaryo.

Ayon kay Ginoong Cesar Balisi ng Brgy. Linao West sa Tuguegarao City, nagpapasalamat siya sa kanyang natanggap dahil malaki ang maitutulong sa kanyang pamilya.


Kabilang ang tumanggap ng pinansyal sa higit 4,000 transport group members sa nasabing distrito na inaasahang makatatanggap rin ang iba pa kung saan may laan na higit P22 milyon sa mga ito.

Facebook Comments