Higit 100 turista na isang linggong stranded sa Batanes dahil sa masamang panahon, nakabalik na sa Maynila

Nakabalik na ng Maynila ang mga turistang na-stranded sa Batanes dahil sa Bagyong Julian.

Ayon sa Philippine Air Force, sinakay ng C-130 ang 116 pasahero at lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Nauna na ring naihatid sa Laoag Airport ang 99 na turista.


Isang linggo nang stranded ang mga ito matapos kanselahin ang biyahe ng mga eroplano dahil sa sama ng panahon.

Samantala nakatakdang bumisita naman ngayong araw si Pang. Ferdinand Marcos sa Batanes upang alamin ang sitwasyon at kamustahin ang mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments