Higit 1,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

Nasa 1,016 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod ng Maynila ngayong araw.

Dahil dito, umabot na sa 4,279 ang aktibong kaso ng virus sa lungsod.

Pito naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay umabot na sa 916.


761 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling para aa kabuuang 39,019.

Sa kabuuan, nasa 44,214 na ang kumpirmadong kaso sa lungsod ng Maynila.

Ang Sampaloc district pa rin ang may naitalang mataas na bilang ng kaso na nasa 736.

Sinundan ito ng Tondo District-1 na 639, Tondo District-2 na 450, Malate na nasa 356 at Sta. Cruz na nasa 328.

Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga residente nito na magdoble-ingat at sumunod na lamang sa mga patakaran na inilatag ng gobyerno upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments