HIGIT 1,000 INDIBIDWAL, TUMANGGAP NG TUPAD PAYOUT

Nasa mahigit isang libong informal sector workers ang tumanggap ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) payouts sa San Mariano, Isabela kahapon, Agosto 11, 2022.

May 1,276 indibidwal mula sa iba’t ibang barangay ng San Mariano ang tumanggap ng kanilang mahigit 10 araw na sahod kahapon.

Nagkakahalaga naman ng kabuuang P4.7 milyon ang ipinamahagi ng the Department of Labor and Employment Region 02 sa mga benepisyaryo.

Ang pamamahagi ng TUPAD payout ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng San Mariano sa ilalim ng kanilang Public Employment Service Office katuwang ang DOLE Region 2.

Samantala, ipinasakamay rin ng DOLE ang chekeng nagkakahalaga ng 100,000 pesos sa Salaknib Former Rebels Integrated Farmers Association (SARIFA) na nagwagi bilang Best Regional Livelihood Project – Group Category ng 2021 Kabuhayan Awards.

Facebook Comments