Higit 1,000 iRISE Beneficiaries sa San Isidro at Alicia, Tumanggap ng tulong sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 1,223 benepisyaryo mula sa bayan ng San Isidro at Alicia ang nakatanggap ng loan assistance sa ilalim ng I-RISE Program (Isabela-Recovery Initiative to Support Enterprises) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ngayong araw.

Personal itong ipinagkaloob ni Governor Rodito Albano III at Vice-Governor Bojie Dy katuwang ang LPGMA Partylist na nagbigay din ng hiwalay na tulong sa mga benepisyaryo.

Kinabibilangan naman ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang tumanggap ng nasabing assistance mula sa pamahalaan gayundin ang mga ambulant vendors, sari-sari store owners at informal service providers.


Inihayag naman ni Vice Gov. Dy na hindi titigil ang pamahalaang panlalawigan para magbigay ng tulong sa mga Isabeleño sa pamamagitan ng kanilang mga programa ngayong panahon ng pandemya.

Nagbigay naman ng mensahe si Gov. Albano sa lahat ng mga tumulong sa probinsya makaraang makaranas ng malawakang pagbaha.

Layunin ng nasabing programa ang tulungan ang mga tao na makabangon mula sa kanilang mga negosyo.

Samantala, naging daan din ang nasabing programa para ipagkaloob ang Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) assistance sa mga Karinderia owners at small food vendors, at Senior Citizens.

Kaugnay nito, nagbigay din ng ilang bitamina sa ilang residente habang libro naman para sa mga Day care students

Bukod pa dito, nakatanggap ng cash incentive ang dalawang centenarian matapos nilang maabot ang edad na 100.

Facebook Comments