Higit 1,000 Magsasaka sa Nueva Vizcaya, Tumanggap ng P5,000 Cash Assistance

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 1,488 na magsasaka mula Bagabag, Nueva Vizcaya ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance Program (RCEF-RFFA) na ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.

Nasa 7.4 milyon pesos ang kabuuang halagang pinaghatian ng mga benepisyaryo mula sa P345.5 million na pondo sa Rice Program Caravan regionwide.

Inihayag ni RTD for Operations and Extension Dr. Butch Busania, ang mga benepisyaryo mula sa Bagabag ang unang nakatanggap ng cash assistance sa pamamagitan ng caravan.

Nauna nang nagpamahagi ng parehong cash assistance ang ahensya sa pamamagitan naman ng remittance partner na nagsimula pa nitong nakalipas na buwan.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Nueva Vizcaya Lone District Loren Cuaresma sa mga magsasaka kung saan hinimok nito na gamitin ng mga benepisyaryo ang tulong upang maibsan ang kanilang gastos sa paghahanda sa lupang pagtataniman.

Tatagal naman ang nasabing pamamahagi ng tulong sa mga eligible beneficiaries sa buong rehiyon dos hanggang buwan ng Marso.

Facebook Comments