Higit 1,000 OFWs mula Qatar, uuwi na ng bansa – DOLE

Aabot sa 1,062 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Qatar ang pauuwiin sa bansa ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Isinaad ni Labor secretary Silvestre Bello III na magsisimula na bukas, araw ng Miyerkules ang pagpapauwi sa unang batch ng OFWs.

Magkakaroon umano ng tatlong chartered flights para sa libu-libong stranded OFWs dahil sa pandemic na naiayos na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).


Ayon pa kay Bello III, mayroong tig 354 OFWs ang lulan ng bawat flights.

Ang dalawang susunod na batch ay uuwi sa darating na Agosto 19 at 26.

Manggagaling naman ang pondo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga balikbayan.

Umabot naman sa 2,327 OFWs na ang nabigyan na ng tulong ng DOLE simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments