Higit 1,000 pang indibidwal, nananatili pa rin sa evacuation center dahil sa pananalasa ng Bagyong Florita

Photo courtesy: PCG

Kasunod nang ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa Super Typhoon Henry, hindi pa rin tuluyang nakakabalik sa kani-kanilang tahanan ang ilan nating mga kababayan na naapektuhan naman ng Bagyong Florita.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32,351 pamilya o katumbas ng 131,235 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Nagmula ang mga naapektuhan sa 515 na barangays sa Region 1, Region 2, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).


Nasa 1,013 katao o 294 pamilya pa ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center habang ang iba naman ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak.

Samantala, nakapag-abot na rin ng mahigit P7 million tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments