Higit 1,000 TUPAD Beneficiaries sa Mallig, Natanggap na ang Financial Assistance

Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang financial assistance at bigas sa 1,343 na benepisyaryo ng TUPAD program sa bayan ng Mallig, Isabela.

Isinagawa ang cash payout ng TUPAD at pamamahagi ng bigas kahapon, July 7, 2021 sa Mallig Community Center sa pangunguna nina Congressman Allan U. Ty ng LPGMA partylist; Director Joel M. Gonzales ng DOLE RO2, Sangguniang Panlalawigan Member Edward S. Isidro; Mayor Jose P. Calderon kasama ang mga Local officials.

Pinasalamatan naman ni Director Gonzalez ang mga Isabelino lalo na sa mga namumuno dahil sa kooperasyon at pakikiisa sa pagpapatupad sa mga programa ng DOLE.


Inihayag naman ni Congressman Ty ang kanyang buong suporta sa mga programa ng DOLE at ng gobyerno para sa mga Isabelino.

Ibubuhos din aniya nito ang pondo ng LPGMA para sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo at tulong sa mga Isabelino.

Samantala, natanggap na rin ng 287 na mga Barangay Tanod mula sa Mallig ang kanilang cash at rice assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Dalawampung (20) Jetmatic Pumps naman ang ibinigay sa mga piling barangay sa nasabing bayan mula naman sa LPGMA Partylist.

Facebook Comments