Robin Padilla, kinumpirma na ang hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Kinumpirma na ng aktor na si Robin Padilla na totoong hiwalay na ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Pag-amin ni Robin sa eksklusibong panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nitong July 7, ang anak niyang si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil sa third party.

Wala naman sa posisyon si Robin para husgahan si Aljur dahil maging siya ay “ilang beses” nang may karanasan sa pambababae noong kabataan niya.


Bagama’t masakit na makitang nasasaktan ang anak, naiintindihan ni Robin kung hindi tanggap ni Kylie ang pagkakamali ni Aljur.

Matatandaang noong February 22 unang naiulat ang cryptic posts ni Kylie na nagpapahiwatig na may pinagdaraanan itong pagsubok.

Napuna rin ang hiwalay na post ni Aljur na may hawak itong rosaryo at nagdarasal para magkaroon siya ng “peace” at “clarity.

Tikom naman ang bibig ng mag-asawa ukol dito.

Facebook Comments