Aabot na sa higit 10,000 alagang aso at pusa ang naserbisyohan ng Provincial Veterinary Office sa mga isinasagawa nitong Veterinary Mission.
Ayon Provincial Veterinary Officer Dr. Marissa De Vera, patuloy pang tumataas ang bilang ng nabibigyan nila ng serbisyo para sa adhikain nilang maging rabies-free ang Pangasinan.
Aniya, ngayong buwan, halos araw-araw na iikot ang kanilang grupo sa iba’t ibang bayan.
Kahapon, isinagawa ang isang edisyon nito sa bayan ng Calasiao, kung saan daan-daan ang nabenipisyuhan.
Ayon kay Calasiao Municipal Veterinarian Dr. George Bandong, mahalaga umano ang mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop maging ng mga pet owners.
Umaasa naman ang OPVET na tuluyang tangkilikin ng mga Pangasinense ang libreng serbisyong hatid ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









