Higit 10,000 CORONAVAC, Dumating na sa Tuguegarao City Airport

Cauayan City, Isabela- Dumating na ang nasa 10,800 doses ng SINOVAC vaccine na inilaan sa rehiyon dos matapos lumapag ang commercial plane sa Tuguegarao City Airport ngayong araw.

Ang nasabing bilang ay ilalaan sa mga healthworkers sa iba’t ibang ospital sa rehiyon at inaasahang sisimulan na rin sa mga susunod na araw ang pagbabakuna sa mga target recipient nito.

Ayon kay DOH-2 Regional Director Dr. Rio Magpantay, ipapamahagi bukas ang bakuna sa Top 6 hospital na kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical Center, Region 2 Trauma and Medical Center, Tuguegarao City People’s General Hospital, PNP Hospital; at DOH-Batanes General Hospital.


Una nang sinabi ni Magpantay na higit kumulang 15,884 na priority list ang babakunahan.

Inanunsyo rin ni Magpantay na bumaba sa 5% ang growth change habang 1.41% ang daily attack rate kung kaya’t nasa moderate risk na ang rehiyon sa usapin ng COVID-19.

Nagboluntaryo namang unang mabakunahan si Cagayan Valley Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao upang ipaalam sa publiko na ligtas ang naturang bakuna at wala dapat ipangamba ang tao.

Facebook Comments