Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 10,720 indibdwal sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.
Sa inilabas na datos ng DOH, sa ngayon ay umaabot na sa 1,608,528 ang kabuuang bilang ng gumaling sa buong bansa.
Nakapagtala rin ng 14,749 na karagdagang kaso ng COVID-19 dahilan kaya umakyat ang bilang ng aktibong kaso sa 102,748.
270 naman ang naitalang sa nasawi kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 30,340.
Sa ngayon, 1,741,616 naman na ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos, ang kontribusyon ng 3 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na nasuri at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakalipas na 14 na araw.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalaalahanan ng DOH ang lahat na palaging sumunod sa minimum public health standards at kung nakakaranas ng mga sintomas ay agad na mag-isolate saka kontakin ang Barangay Health Emergency Response Teams para sa kaukulang medical attentions.