Higit 10,000 indibidwal sa Maynila, nabakunahan na ng booster shot

Pumalo na sa higit 10,00 ang bilang ng indibdwal sa lungsod ng Maynila na naturukan ng booster shot kontra COVID-19.

Sa ibinahaging datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 10,973 ang bilang ng nabigyan na ng booster shot sa mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority group.

Sa pagsisimula naman kahaponng pagtuturok sa A2 at A3 priority group, umaabot sa 6,536 ang bilang naturukan ng booster shot.


Muli namang paalala ng Manila Local Government Unit sa bawat residente ng lungsod na tanging bibigyan lang ng booster shot ay iyong nakatanggap na ng second dose ng bakuna na anim na buwan na ang nakakaraan.

Panawagan din nila sa mga nakakatanda na maaari naman magpunta sa mga oras na maluwag ang mga lugar ng bakunahan upang hindi na pumila ng maaga at maghintay ng matagal.

Ngayong araw ay muling ikakasa ang booster shot sa mga A1 hanggang A3 priority group sa 18 paaralan at anim na district hospital na may tig-1,000 doses ng iba’t ibang uri ng bakuna.

Facebook Comments