Higit 100,000 Magsasaka sa Isabela, Nabiyayaan sa RCEF Program

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 137,000 rice farmers sa Isabela ang nagbenepisyo sa Rice Competitiveness Enhancement (RCEF) Seed Program ng pamahalaan kasabay ng pagdaraos ng RCEF Partners Appreciation Day and Program Shifting Conference sa kapitolyo ng Isabela.

Ayon kay RCEF Program Management Office Head Dr. Flordeliza H. Bordey, mula September 2019 hanggang December 2020 ay nakapagpamahagi na ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Isabela ng tinatayang 344,000 bags ng certified seeds sa mga magsasaka sa tatlong (3) planting seasons sa lalawigan sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Isa ang seed program sa apat (4) na components ng RCEF sa ilalim ng Rice Tariffication Law na layong matulungang mapagaan ang gastos at maitaas naman ang kita ng mga magsasaka.


Samantala, inihayag naman ni Provincial Agriculturist Marites Frogoso ang pasasalamat sa RCEF Seed Program.

Kaugnay nito, iginawad ang ilang pagkilala gaya ng Most Outstanding City/Municipal Agriculturists, Ten Outstanding Agricultural Extension Workers and Plaques of Gratitude to the provincial government and LGUs sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Seed Program from September 2019 to December 2020.

Facebook Comments