
Ilang araw bago ang taong 2026, aabot sa 138,370 na pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na humabol sa pagbiyahe sa mga panatalan kahapon.
Sa datos ng PCG, nasa 72,444 ang outbound passengers at 65,926 ang inbound passengers na naitala sa mga pantalan sa iba’t ibang bansa.
Kaugnay nito, para masiguro na ligtas at walang magiging aberya sa biyahe, nasa 515 vessels at 86 na motorbancas ang isinailalim sa inspeksyon ng PCG.
Nananatili naman naka-heightened alert ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG hanggang January 4, 2026 bunsod na rin ng inaasahan pagdagsa ng mga pasahero na magdiriwang ng bagong taon.
Ang mga pasahero naman na may mga katanungan, pangangailangam at paglilinaw hinggil sa regulasyon at patakaran sa pagbiyahe sa karagatan ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa PCG sa kanilang official Facebook page o tumawag sa Coast Guard Public Affairs Service sa 0927-560-7729.










