Higit 100,000 mga residente ng India ang inilikas dahil sa banta ng Cyclone Nisarga.
Ayon sa ulat, magla-landfall ang bagyo ngayong araw na may lakas na hanging aabot sa 100 to 110 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 120 kph.
Ito ang unang pagkakataon na tatamaan ng malakas na bagyo ang India sa loob ng pitumpung (70) taon.
Huling tinamaan ng bagyo ang Mumbai noong 1948 kung saan 12 katao ang nasawi at 100 ang nasugatan.
Facebook Comments