Higit 100,000 Sako-sakong Binhing Palay, Naipamahagi na sa mga Magsasaka ng Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela-Umaabot na sa 103,415 bags ng binhi ng Palay ang naipamahagi na ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan at Isabela para itanim sa darating na wet cropping season.

Ayon kay Dr. Marvin Luis, Regional Rice Program Coordinator ng DA RFO 02, sa kasalukuyan ay mayroon ng 95% accomplishment o naiposisyong binhing hybrid sa buong rehiyon.

Umaasa naman si Luis na ang positioning ng natitirang 5,691 bags mula sa kabuuang 109,106 ay makukumpletong maipamahagi na bago pa man magsimula ang taniman.


Aniya, napakahalaga ang maagang positioning ng mga binhi upang maipunla sa tamang panahon at maiwasan ang mga kalamidad tuwing anihan.

Samantala, umaabot na rin sa 72,087 vouchers ng abono ang naibahagi sa mga magsasaka na umaabot na sa halagang P297 Million mula sa kabuuang 114,589 vouchers generated sa buong lambak ng Cagayan.

Paglilinaw niya base sa bagong polisiya, ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela na lamang ang konsentrasyon ng seeds and fertilizer assistance sa ilalim National Rice Program (NRP) samantalang sa Nueva Vizcaya at Quirino naman ang coverage ng Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP).

Facebook Comments