HIGIT 100K INFORMAL SETTLER FAMILIES, NATUKOY SA REHIYON DOS

Nasa mahigit 100K pamilya ang natukoy ng Department of Human Settlements and Urban Development Region 2 (DHSUD R2) informal settlers o walang permanenteng tirahan na bahay sa rehiyon dos ngayong taon.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, tinatayang nasa kabuuang 102,661 ang mga informal settlers sa rehiyon kung saan ang probinsya ng Isabela ang may pinakamaraming bilang na nasa 55,483 na sinusundan naman ng Cagayan na may 28,443; patalo ang Nueva Vizcaya na mayroong 16, 016; Quirino na mayroon namang 1,511, at Batanes na mayroon ding 1,208 na pamilya.

Ito ang sinabi ni DHSUD R2 Regional Director Peter Daniel Fruginal sa pulong balitaan sa PIA-R02 para sa National Shelter Month na may temang “Kayang pabahay tungo sa panatag na buhay.”

Ayon sa DHSUD target nila na makapagtayo ng 6 milyon na housing unit sa loob ng anim na taon sa pamamagitan ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr., na “Pambansang bahay para sa mga Pilipino- The Home for Every Juan.”

Tatlumpung libo (30,000) dito ang target ng ahensya na maipatayo sa loob ng isang taon sa Lambak Cagayan.

Nilinaw din naman RD Fruginal na hindi libre ang mga pabahay bagama’t ang subsidiya naman ay sa pakikipagtulungan ng mga financial institution katulad ng mga bangko.

Sa mga pabahay program ng DHSUD, ang mga benepisyaryo ay maaaring makahiram ng pera na mayroong 1% interest lamang. Sa tinatawag na Socialized Housing ay maaaring makahiram ng hanggang P580,000 na mababayaran sa loob ng 20 taon; Upgraded housing na maaaring makahiram ng P800,000 at Mid-High rise na maaaring makahiram hanggang P1 milyon na mababayaran naman sa loob ng 30 taon.

Facebook Comments