HIGIT 100K, INILAAN SA KONSTRUKSYON NG SK OFFICE SA BRGY. MH DEL PILAR

CAUAYAN CITY- Naisakatuparan na ang kauna-unahang opisina ng Sangguniang Kabataan sa Brgy. MH Del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Sangguniang Kabataan Chairman Franco Gallardo, ika-2 ng Oktubre nagsimula ang nasabing proyekto at natapos ito noong ika-22 ng Oktubre kung saan naglaan ng P126,000 ang kanilang hanay para sa pagpapatayo ng kanilang opisina.

Aniya, malaking tulong ang nasabing opisina dahil dito gaganapin ang kanilang mga pagpupulong hinggil sa mga isasagawang programa at aktibidad para sa mga kabataan sa barangay.


Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng bagong opisina ay mapapabuti nila ang kanilang serbisyo sa kanilang nasasakupan lalo na sa ikakabuti ng barangay.

Bukod dito, magbibigay naman ng educational cash asssitance ang Sangguniang Kabataan sa mga College Students sa kanilang barangay kung saan makakatanggap bawat isa ng isang libong piso.

Facebook Comments