SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Ikinatuwa ngayon ng pamahalaang lungsod ng San Carlos ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na kanilang nababakunahan kontra COVID19 at sa mataas na doses na naituturok sa mga residente dito.
Kaugnay nito, pumatak na sa kabuuang 105,080 ang bilang ng vaccine doses ang naibakuna sa buhat ng simulan noong Marso 2021 ang vaccine roll out sa lungsod.
Ang lungsod ng San Carlos ngayon ang pumapangalawa sa buong lalawigan na may pinakamaraming bilang ng nabakunahan kung saan fully vaccinated na ang 43,667 na mga indibidwal.
Batay umano sa obserbasyon ng lokal na pamahalaan at ng City Health Office ay dumoble ang bilang ng mga nais magpabakuna. Ito marahil ay dahil sa mass advocacy campaign na ginagawa ng CHO at LGU upang hikayatin ang bawat isa na magpabakuna kontra COVID-19.
Isa pa umano sa pagdami ng nababakunahan ay sa patuloy na pagdami ng suplay ng bakunang dumadating sa lungsod dahil sa kakayahang makapagbakuna ng mahigit na 2, 000 doses sa loob ng isang araw na isa sa nangunguna sa buong lalawigan.
Samantala, nagsimula naman na ang pagbabakuna sa pediatric population at ang pagbabakuna ng nasa 300 estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.
Ang pagbabakunang ito ay tugon sa paghahanda sa nalalapit na limited face-to-face classes sa susunod na taon.
Sa ngayon, naitala naman ngayon ang natitirang walong aktibong kaso ng COVID-19. Inaasahan namang na unti-unting mapababa ang bilang ng mga kaso kung patuloy ang bakunahan at diretso ang mass advocacy campaign para COVID-19 vaccination. | ifmnews