Higit 11,000 na Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na 11,700 na Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Office of the Presidential Adviser of Peace Reconciliation and Unity Usec. Isidro Purisima, ito ang karagdagang batch ng government-procured vaccines dahil kailangang pa rin paigtingin ang bakunahan ng bansa kahit na nasa pinakamababang COVID-19 alert classification na ang Metro Manila at ang iba pang lugar.

Sa kabuuan ay nakapagturok na ng 136 million na bakuna ang pamahalaan kung kaya’t umabot na sa 63.5 million na Pilipino ang fully vaccinated na.


Samantala, nakatakda namang magsagawa ng ikaapat na Bayanihan, Bakunahan ang pamahalaan sa Marso 10 hanggang 12.

Facebook Comments