Tatlo hanggang apat na pisong dagdag-presyo sa diesel at gasolina, nakaamba sa susunod na linggo

Asahan na muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Ito ay matapos umakyat sa $119 per barrel ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado bunsod ng digmaan ng Russia at Ukraine.

Batay sa kalakalan ng langis sa nakalipas na apat na araw at Mean of Platts Singapore (MOPS), posibleng pumalo sa P4.20 hanggang P4.50 ang madagdag sa presyo ng diesel kada litro habang P3.00 hanggang P3.30 kada litro naman ang itataas ng presyo ng gasolina.


Sa kabuuan ay nasa P9.6 per liter na ang itinaas ng presyo ng gasolina at P11.65 per liter naman sa diesel mula noong Enero 2022.

Facebook Comments